DAGUPAN CITY- Ipinatupad muli ng Malasiqui National High School ang sistemang class shifting o double shifting ngayong pasukan, tulad ng mga nagdaang taon, bunsod ng patuloy na kakulangan sa silid-aralan.
Aabot sa halos 1,000 estudyante mula sa Senior High School (SHS) ang apektado ng naturang sistema.
Ayon kay Asst. School Principal Norman Lavarias, matagal nang pinag-aralan ng paaralan ang mga kailangang adjustment upang maibsan ang epekto ng shifting sa mga guro at estudyante.
Gayunpaman, hindi pa rin nito lubusang nasosolusyunan ang kakulangan sa pasilidad, lalo na sa dami ng mga mag-aaral.
Samantala, ngayong panahon ng tag-ulan, isa pang hamon ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kapag napapansin na ang madilim na kalangitan, agad na nagsususpinde ng klase upang maiwasan ang panganib sa pag-uwi ng mga estudyante.
Sa ganitong pagkakataon aniya, nag-iiwan ang mga guro ng mga gawaing kailangang tapusin sa bahay.
Nagkakaroon din ng pagbaha at paminsang pagiging maputik ng ilang daanan sa loob ng paaralan, na lalo pang nagpapahirap sa sitwasyon ng mga mag-aaral.
Sa kabilang banda, nananatiling ipinatutupad ang programang Kto12 sa kabila ng pagkakapilot muli ng K to 10 sa ilang paaralan.