DAGUPAN CITY- ‎Patuloy na nararanasan ang pagbaha sa ilang pangunahing kalsada sa Dagupan City, na sinasabing dulot ng pinagsamang epekto ng high tide at laganap na pag-ulan tuwing hapon.

Ayon kay Melykhen Bauzon ang head ng Public Alert Response and Monitoring, karaniwan aniya na ang ganitong sitwasyon tuwing panahon ng high tide, kahit walang direktang buhos ng mga pag-ulan.

‎Ipinabatid ri niya na posibleng tumagal pa ang high tide season hanggang sa buwan ng Oktubre , kaya’t pinaalalahanan ang mga residente na magsuot ng proteksyon gaya ng bota kapag kinakailangang lumusong sa baha, upang maiwasan ang sakit na maaaring makuha rito.

--Ads--

‎Samantala, inaasahang makatutulong sa pagresolba ng problema ang kasalukuyang isinasagawang elevation road project.

Kapag natapos ito, posibleng bumaba ang insidente ng pagbaha sa mga lugar na madalas daanan ng tubig, lalo na tuwing mataas ang dagat o kapag tag ulan.

‎Patuloy namang hinihikayat ang kooperasyon ng mga mamamayan upang mapanatiling ligtas at handa ang komunidad sa panahon ng kalamidad.