Hindi bababa sa 22 aftershocks ang naitala sa Davao Occidental matapos makaranas ng paglindol, kaninang umaga, batay ito sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Anila, dakong 1:00 PM nang maitala nila isa sa mga aftershocks na naranasan.
Umabot sa 2.4 hanggang 5.2 magnitude ang lakas nito.
--Ads--
Dakong 7:07 AM kaninang umaga nang maranasan sa bayan ng Sarangani sa nasabing lugar nang tumama ang 6.1 magnitude earthquake.
Nauna itong itinaas sa 6.9 magnitude.