Malapit nang maabot ang Normal High Water Level (NHWL) sa dalawang pnakamalaking dam sa Pilipinas.
Sa tala ng Hydrology Division ng state weather bureau ngayon araw, June 28, umaabot na lamang sa mahigit dalawang metro bago maabot ng Ambuklao at Binga Dam ang nasabing lebel.
Ang nasabing pagtaas ay dulot ng naranasang malawakang pag-ulan sa mga watershed area sa nakalipas na 24 oras.
--Ads--
Ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam ay umaabot na sa 750.99 meters, dalawang metro na lamang bago maabot ang NHWL na 752 meters.
Habang sa Binga Dam naman ay kasalukuyang nasa 572.94 meters ang lebel ng tubig, higit dalawang metro bago maabot ang 575 meters ng NHWL.