Nasawi ang 5 katao habang 20 iba pa ang sugatan sa naganap na aksidente sa Sitio San Juan, Barangay Guimbalaon, Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa Police Regional Office-Negros Island Region, nawalan ng preno ang drayber ng mini dump truck na may kargang 25 na Barangay Health Workers at mga empleyado ng Silay City LGU dahilan para matumba ang naturang truck.

Sa naging pahayag ni Silay City Chief of Police, Lt. Col. Mark Darroca, galing sa isang tree planting activity ang mga pasahero.

--Ads--

Kung saan agad namang rumisponde ang Philippine Red Cross sa lugar at dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang biktima para mabigyan ng atensyon-medikal.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa aksidente.