Binitay ng Japan ang isang lalaki na napatunayang nagkasala sa pagpatay at paghiwa-hiwalay ng katawan ng siyam na tao na kanyang nakilala sa social media.
Binitay si Takahiro Shiraishi matapos siyang hatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay noong 2017 sa walong babae at isang lalaki sa kanyang apartment sa lungsod ng Zama sa Kanagawa, malapit sa Tokyo.
Tinagurian siyang “Twitter Killer” dahil sa paggamit niya ng social media platform (na ngayo’y kilala bilang X) upang makipag-ugnayan sa kanyang mga biktima.
Inamin nito ang mga krimen matapos niyang makipag-ugnayan sa mga taong nagpapakita ng intensyong magpakamatay at alukin silang tulungan sa kanilang pagpapatiwakal.
Ayon sa mga ulat, itinago niya ang mga bahagi ng katawan ng kanyang siyam na biktima sa mga cooler na nakakalat sa kanyang maliit na apartment.
Ayon kay Justice Minister Keisuke Suzuki, na siyang nag-apruba sa pagbitay kay Shiraishi, ginawa niya ang desisyon matapos ang masusing pagsusuri sa kaso.
Ang pagbitay ay unang isinagawa sa Japan noong Hulyo 2022, sa isang lalaki dahil sa pagwawala at pananaksak sa Akihabara shopping district sa Tokyo noong 2008.
Ito rin ang kauna-unahang pagbitay na naisagawa simula nang manungkulan ang pamahalaan ni Prime Minister Shigeru Ishiba noong Oktubre ng nakaraang taon.
Isa sa mga pinakatampok na bitay sa kasaysayan ng Japan ay isinagawa noong 2018, kung sa ay pinaslang ang lider na si Shoko Asahara at 12 dating kasapi ng kultong Aum Shinrikyo, na nasa likod ng nakamamatay na pag-atake gamit ang sarin gas sa Tokyo subway noong 1995, na ikinamatay ng 14 katao at ikinasakit ng libo-libo.