Tinitiis ng maraming magsasaka sa Hilagang Luzon ang matinding pagkalugi matapos bumagsak sa P8 kada kilo ang presyo ng palay sa bukid, mas mababa pa sa kalahati ng dating presyo noong nakaraang anihan.

Sa ikatlong taniman ngayong taon, umaabot na sa P10,000 kada ektarya ang nawawala sa kita ng mga magsasaka sa Barangay Bantayan, Mangaldan, Pangasinan.

Ikinakasa ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang babala na kung magpapatuloy ang ganitong presyo, mapipilitang tumigil ang mas maraming magsasaka sa pagtatanim ng palay.

--Ads--

Apektado rin ang ilan pang mga Rehiyon, kung saan bumagsak na sa P8–P10 kada kilo ang bentahan, malayo sa dating P15–P17 kada kilo.

Sa kasalukuyan, 15% lamang ang buwis sa pag-angkat ng bigas mula ibang bansa.

Ipinanawagan ng SINAG ang agarang pagpapanumbalik ng 35% na taripa sa imported rice upang mapigilan ang tuluyang pagbagsak ng lokal na palay.

Kung hindi ito maaaksyunan, posibleng maramdaman na ang kakulangan sa produksyon ng bigas pagsapit ng huling bahagi ng taon.