DAGUPAN CITY- Nagpalitan ng mga opensiba ang Israel at Iran, kasabay ng paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa mga opisyal ng Israel, tinamaan ng panibagong bugso ng Iranian missile strikes ang ilang bahagi ng bansa, kabilang ang isang malaking ospital sa katimugang bahagi na nagtamo ng matinding pinsala.
Bilang tugon, inatake ng Israel ang nuclear facility sa Arak ng Iran, na ayon sa mga ulat ay “inactive” o hindi ginagamit sa kasalukuyan. Wala namang naiulat na malawakang pinsala sa pasilidad.
Samanatala, mariin ding kinondena ng Russia at China ang mga pag-atake ng Israel laban sa Iran.
Nanawagan ang dalawang lider na maresolba ang tensyon sa pamamagitan lamang ng diplomasya.
Kasunod nito, nagbabala si Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na walang awa ang ipapakita ng kanyang bansa sa mga namumuno sa Israel.
Ito ay ilang oras matapos igiit ni dating US President Donald Trump ang “walang kundisyong pagsuko” ng Iran.