DAGUPAN CITY- Nagpadala ng monitoring representatives ang Schools Division Office (SDO) ng Dagupan City sa kanilang mga paaralang nasasakupan upang mabantayan ngayong unang araw ng pasukan.
Batay ito sa SDO Dagupan Memorandum No. 259, s. 2025 na may kaugnayan sa Republic Act No. 7797 na nag-uutos na kapag nagsimula na ang school year sa pagitan ng unang lunes ng hunyo at huling araw ng agosto, ang Schools Division Office of Dagupan City ay magsasagawa ng Division-wide monitoring para sa pagbubukas ng klase para sa school Year 2025-2026.
Ayon kay Dr. Vladimir C. Parayno ang Senior Education Program Specialist na inutusan sa Sabangan Elementary School na parte ito ng kanilang tungkulin na bawat paaralan ay may nakabantay na opisyal mula sa Division Office.
Aniya na Isa ang Sabangan Elementary School sa kabuuang 39 na mga paaralan na may Elementarya at secondarya sa Schools Division Office ng Dagupan.
Sa kanyang pagtutok dito, napansin niya ang pagiging maaga ng mga estudyante at guro dahil alas-6 pa lamang ng umaga ay may mga pumapasok na.
Wala naman aniyang naging problema sa isinagawang opening program kanina bagkus ay naging maganda ang daloy ng programa at mainit a naging pagtanggap sa bagong talagang principal sa paaralan.
Ito na umano ang umpisa ng klase ng mga bata kaya hindi na magkakaroon pa ng pglilinis o pagsasaayos ng mga silid aralan dahil tinapos na ito sa Brigada Eskwela sa tulong ng mga magulang, guro at mga stakeholders.
Pagbabahagi naman nito na may ilang paaralan sa lungsod ang magpapatupad ng shifting schedule ngunit nakadepende sa ilang kadahilanan gaya ng walang magamit na kwarto dahil sa konstruksyon ng mga school buildings, at madaming bilang ng mga estudyante.
Sa Sabangan Elementary School ay hindi sila magpapatupad ng shifting schedule dahil sapat naman ang kanilang silid aralan para sa mga estudyante at hindi pa nasisimulan ang mga proyekto na pagpapatayo ng ilang mga buildings.