DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Isa ka rin ba sa mga mahilig tumanggap ng bulaklak?

Paano na lamang kung malaman mong ang natanggap mo palang bulakalak ay pwedeng kainin?

Isang baker kasi mula Sydney, Australia ang kinikilala ngayon sa kakaibang ideya sa mundo ng baking.

--Ads--

Si Macey Nemer ang lumikha ng kauna-unahang tumatayong cupcake bouquet sa buong mundo.

Pinagsama ni Nemer ang ganda ng bulaklak at tamis ng cupcake para makabuo ng nakakain na palamuting regalo.

Wala man siyang pormal na training sa baking, hindi siya natakot magsimula ng sariling negosyo.

Matapos ang maraming pagsubok, natutunan niyang gumawa ng mga frosting na mukhang totoong bulaklak.

Ang kanyang negosyo na Baked Bouquet ay patok na ngayon sa mga okasyon gaya ng kaarawan, kasal, at events.

Aniya, hindi lang ito maganda sa paningin, masarap din kainin.

Dahil sa kanyang malikhaing ideya, si Macey Nemer ay kinikilala bilang isa sa mga innovator sa baking industry.