Nakatuon ang DOLE Region I sa pagbibigay ng proteksyon sa mga bata kontra child labor.
Ayon kay Teresa N. Bonavente, Chief Labor and Employment Officer, DOLE Region I, ang kanilang enumerators ay pupunta sa mga munisipyo para hanapin ang mga batang pinipilit na magtrabaho.
Kabilangsa programa ang pagkakaloob ng mga groceries, school supplies, at inaalok din ng trabaho ang mga kamag anak, magulang at kapatid para matugunan ang kinakailangang serbisyo para sa kanila.
Sa ilalim ng Anti-Child Labor Law ay mahigpit na ipinagbabawal ang mapanganib at mapagsamantalang uri ng paggawa sa mga bata. Kabilang sa mga mapanganib na lugar ng trabaho ay sa mga quarry area at farming.
Katuwang nila sa pagbibigay serbisyo ang mga partner agencies.
Malaki aniya ang epekto ng child labor sa aspetong pisikal, mental at emotional at nahahadlangan sa pag aaral ang mag bata para sa kanilang pagkatuto.