DAGUPAN CITY- Sabi nila, walang bawal sa art, basta nilikha ng iyong kamay ay matatawag na itong art.

Ito ang pinatunayan ng mga likhang sising sa United Kingdom dahil sa kanilang kakaibang gimmick.

Nagpakita kasi ng kakaibang galing at pagkamalikhain ang mga kalahok sa taunang Lambeth Country Show sa Brockwell Park, London, kung saan itinampok ang mga kakaibang vegetable sculpture.

--Ads--

Kabilang ang mga imaheng gawa sa gulay nina U.S. President Donald Trump, singer Dolly Parton, at maging ng mga cardinal sa isang tinaguriang “Cornclave.”

Ang dalawang-araw na selebrasyon ay isang urbanong bersyon ng country fair na may kasamang sheep-shearing, kumpetisyon ng mga alagang hayop, pagkain, musika, at ang inaabangang patimpalak sa larangan ng vegetable sculpture na kilala na sa buong bansa.

Ngayong taon, ilang mga kalahok ang bumase sa bagong halal na Santo Papa o pelikula ukol dito. Isa sa mga tampok ang “Cornclave” — isang eksenang may mga cardinal na gawa sa mais.

Ilan sa mga likha ay may temang lokal, kabilang na ang mga patama sa mga desisyon ng pamahalaang lokal sa Lambeth na gawing venue.