DAGUPAN CITY- Mga kabombo! Ikaw ba ay nahuhulog sa iyong kama at nagigising na nasa lapag na? Kung ganon ay hindi ka pwede sa sumisikat na attraction sa China.
Higher level na ang relaxations ng mga lazy daredevils sa China dahil ang trip nilang higaan ay may taas na 320-foot at nakakabit sa isang talampas o cliff.
Matatagpuan ito sa Mangshan National Forest Park sa Chenzhou at layunin nitong maghatid relaxing experience at kalimutan pansamantala ang problema sa mundo.
Para matiyak ang kakaibang karanasan, sa isang veranda-like platform ay mayroon nang adventure package kung saan makakahiga ka sa isang small double air mattress, duvet, at isang unan.
Gayunpaman, inaabisuhan ang mga dumadayo na hindi ito pwede para sa mga nais matulog at para lamang ito sa mga gusto mag-chill at magselfie.
Bagaman mataas ito, ayon naman sa mga nakaranas na ay hindi tio nakakatakot at tunay ngang nakaka-enjoy.
Para masubukan ito, pasok ito sa mga edad 14 hanggang 60. Para sa edad 14-18 ay kinakailangan samahan ng mas nakatatanda.
Off-limits naman ang attraction na ito para sa mga may bigtat na hihigit sa 99kg at may tangkad na mas mababa pa sa 4ft 6inches.
Kung ikaw naman ay nagtataka kung paano maabot ang nasabing higaan, gumagamit sila ng cable car subalit kailangan munang mag-fill up ng isang form upang matiyak na fit at walang health condition ang susubok nito.