DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng inisyal na pagpupulong ngayong Biyernes, Mayo 16, ang mga bagong halal na opisyal kasama ang punong-bayan sa Conference Room ng Municipal Building sa bayan ng Mangaldan.

Tinalakay sa pulong ang gaganaping Victory Motorcade mamaya na magsisimula sa alas-7 ng umaga mula sa Mangaldan Central School.

‎Pinaghandaan din ang Inaugural Ceremony sa Hulyo 1 sa harap ng Presidencia de Mangaldan.

--Ads--

Ibinahagi ang plano para sa entablado, daloy ng programa, at logistics.

‎Inilatag din ng punong-bayan ang mga pangunahing proyekto sa kanyang bagong termino, kabilang ang bagong municipal building, community hospital, at rehabilitasyon ng plaza.

‎Layon ng pulong ang mas pinatibay na ugnayan para sa isang mas progresibong pamahalaang lokal.