Hindi naging maayos ang takbo ng pila ng mga botante sa Barangay San Bonifacio sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.
Kung saan ay nagkaroon ng sagutan matapos magsingitan ang ilang residente habang nakapila para bumoto. Ilan sa mga regular voters ang hindi sumunod sa tamang linya, na naging dahilan ng mainit na pagtatalo at pagka-abala ng iba pang botante.
Bukod sa isyu ng singitan, inirereklamo rin ng ilang botante ang mabagal na takbo ng pila, na nagdulot ng pagkabahala at pagkainip ng marami.
--Ads--