DAGUPAN CITY – Nagbunyi ang Filipino community at ginagalang ang pagpili sa bagong Santo Papa sa katauhan ni Pope Leo XIV ang ika-267 na Santo Papa.

Ayon kay Jessie Games, bombo International News Correspondent sa Italy, kahit sinong napili ay nirerespeto ng mga mamamayan

Tatlo umano ang malalakas na kandidato ng mga Italyano at kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga pinagpilian.

--Ads--

Aminado naman siyang mahirap pumili ng santo papa dahil maraming matunog ang pangalan.

Naniniwala naman si Games na hindi naman pipiliin na papa ang isang cardinal kung hindi siya tapat at mabuti.

Matatandaan na sa ikalawang pag-usok sa tsiminea ng Sistine Chapel sa ikalawang araw ay napili na ang at kauna-unahang Amerikanong Santo Papa na si Cardinal Robert Prevost na may edad na 69.

Si Pope Leo XIV ay ipinanganak noong Setyembre 14, 1955 sa Chicago, Illinois.

Taong 2023 ng italaga siya ni Pope Francis bilang prefect of the Dicastery for Bishops at pangulo ng Pontifical Commission for Latin America.