DAGUPAN CITY- Posibleng gamitin sa pulitika ang umano’y viral video ni Rep. Paolo Duterte, lalo na at mainit ang usapin ukol sa halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, kadalasang unang reaksyon sa mga iskandalo ay ang agarang pagtanggi, gaya ng pagsasabing ito AI-generated.

Dahil sa kawalan ng ganitong pagtanggi, maiisip ng publiko na maaaring totoo ang pangyayari at isang krimen ito.

--Ads--

Aniya, makikitang tila may masamang intensyon sa video kaya’t natural lang kung may magsampa ng kaso.

Sa ganitong pagkkataon ay kailangan pa rin ng ebidensya upang patunayan ang mga alegasyon.

Dagdag pa niya, hindi na rin nakagugulat kung isipin ni VP Sara Duterte na may halong pulitika ang isyu.

Sa gitna ng maiinit na bangayan, posible talaga itong gamitin laban sa kampo ng mga Duterte.

Ipinaliwanag din niya na maaaring hindi agad magbago ang suporta ng mga botante, lalo na sa Davao, dahil karaniwan sa mga Pilipino ang pagboto batay sa pangalan o pamilyaridad.


Sa huli, nakasalalay pa rin sa mga botante kung paano nila tatanggapin ang isyu.