Nagdulot ng matinding kalituhan sa global shipping industry ang sunod-sunod na anunsyo sa trade policies, lalo na ang mga bagong taripa mula sa US, kaya’t napipilitang mag-adjust ang mga kumpanya.

Kabilang sa mga epekto ang mga barkong kulang sa kargamento, pabago-bagong freight rates, at posibleng pagbabago sa mga ruta ng pagpapadala, ayon sa mga eksperto.

Simula nang muling maupo si Pangulong Donald Trump noong Enero, nagsimula rin ang agresibong hakbang sa taripa na nagdulot ng rollercoaster sa pandaigdigang ekonomiya.

--Ads--

Dahil dito ay lalo pang gumulo ang sitwasyon nang mag-anunsyo si Trump ng 90-day delay sa ilang taripa, maliban sa mga nakatuon laban sa China, na muling nagbago sa balanse ng global trade.