DAGUPAN CITY- Nakatakdang magsagawa ng pagsasaayos sa mga linya ng kuryente ang tanggapan ng Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO sa darating na Sabado, March 29, 2025 at nasa anim na bayan sa kanilang nasasakupan ang makakaranas ng power interruption.

Ayon sa naging panayam kay Engr. Rodrigo Corpuz ang siyang General Manager ng tanggapan kung saan kabilang ang ang buong bayan ng Aguilar, Mangatarem at ilang bahagi ng Urbiztondo ang makakaranas pansamantala ng kawalan ng kuryente sa oras ng 6am-5pm at dahil ito sa massive clearing sa mga nabanggit na linya ng kuryente at ang pagpapalit ng mga poste para sa mas maayos na serbisyo.

Bukod dito ay mayroon ding isasagawang pagsasaayos ang NGCP kung saan maapektuhan din ang bayan ng sual at Labrador na magsisimula ng 6am-6pm habang ang mga bayan.

--Ads--

Nanawagan naman ito sa mga apektadong bayan na makipagtulungan sa kanilang mga isinagawang aktibidad upang matiyak ang mas maayos na pagsuplay ng kuryente sa kanilang mga kabahayan.

Bagama’t tumataas na rin ang demand sa paggamit ng kuryente ay hindi pa naman umabot sa critical na level kaya stable pa rin ang rate nila at wala pang nararamdaman sa pagtaas nito.