Bumaba ang employment rate sa bansa noong Enero 2025 ay bumaba sa 95.7%, na isang pagbaba matapos ang holiday season, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala, noong Oktubre hanggang Disyembre 2024, ang employment rate ay nanatiling higit sa 96%, kung saan ang Disyembre ay umabot sa 96.9%. Gayunpaman, inaasahan na ang pagbaba pagkatapos ng mga piyesta opisyal base sa mga naunang datos.

Sa kabila ng pagbaba, tumaas ang employment rate mula 95.5% noong Enero 2024, naging 95.7% ngayong taon.

--Ads--

Sa kabilang banda, tumaas ang unemployment rate sa 4.3% o katumbas ng 2.16 milyong walang trabaho, kumpara sa 3.9% noong Oktubre 2024.

Tumaas ang underemployment naman sa 13.3%, na nangangahulugang 6.47 milyong Pilipino ang naghahanap pa ng karagdagang oras o trabaho.