Nagpapatuloy sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para sa kabuuan ng komunidad ang Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Infanta.

Sa ilalim ng pamamahala ni Dr. Marjorie Piga, ang Municipal Health Officer ay nagdaos ng matagumpay na programa sa Barangay Potol, sa naturang bayan kung saan isinagawa ang mga programang pangkalusugan upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad tulad ng Buntis Sigla Program na nagbigay ng libreng prenatal check-ups at Buntis Kits, pati na rin mga IEC sessions para sa family planning, Feeding Programs na Isinagawa upang labanan ang malnutrisyon sa komunidad at ang PhilHealth Konsulta Program na nagpadali ng enrollment at libreng serbisyong medikal sa mga residente.

Kasama rin sa kanilang serbisyo ang Immunization Program para sa mga bata at senior citizens, NCD risk assessments, Zumba sessions, at libreng laboratory tests upang mapanatili ang kalusugan ng mga residente. Bukod dito, pinalakas din ang Water, Sanitation, and Hygiene Program sa pamamagitan ng kampanya para sa kalinisan at distribusyon ng toothbrushes at marami pang iba

--Ads--

Ang tagumpay ng programa ay bunga ng suporta mula sa iba’t ibang sektor. Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, ipinakita ng pamahalaan ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan at pagpapabuti ng buhay ng bawat residente, na nagpapatunay sa kanilang malasakit sa kapakanan ng mga mamamayan.