DAGUPAN CITY- Puspusan na ang pagpapaaalal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan sa pagpapaalala sa mga residente hinggil sa pag-iwas at pgiging handa sa sunod, bilang pagsisimula sa Fire Prevention Month ngayon buwan ng Marso.

Ayon kay FSInsp. Armando Ramos, Hepe ng naturang tanggapan, itinakda bukas ang kanilang kick off ceremony sa bayan ng Calasiao patungkol sa selebrasyon ng Fire prevention month at ito ay pangungunahan ng Regional Director 1 na si FCSupt. Leonida Gumanab-Rosales.

Ito ay para magbigay ng karagdagang kaalaman paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sunog para mabawasan din ang kaso ng kaliwat kanang insidente ng sunog sa buong rehiyon.

--Ads--

Bukod dito, ang Fire Prevention Month ay magbibigay-diin sa mahalagang papel ng komunidad sa pagtutulungan upang mapanatili ang kaligtasan.

Inaasahan din ng BFP ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan upang maprotektahan ang mga buhay at ari-arian laban sa mga sunog.

Dagdag pa ni Ramos, ang kampanyang ito ay magsisilbing gabay upang maiwasan ang mga insidente at tiyakin na ang bawat pamilya at komunidad ay handa at may sapat na kaalaman sa mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang kanilang sarili.