DAGUPAN CITY- Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang kahandaan kaugnay sa mga darating na National Candidate sa probinsya sa pagsisimula ng kampanya.

Ayon kay PCPT. Socorro F. Arciaga, Acting Officer-in-Charge ng Public Information Officer ng tanggapan, wala pang nakikipag coordinate sa kanila hinggil dito ngunit hindi pa rin ilaalis ang kahandaan sa nasabing isyu.

Dagdag niya, nakikipag-ugnayan din sila sa iba’t ibang ahensya para sa ilang mga alituntunin.

--Ads--

Samantala, mas pinaiigting naman ng nasabing opisina ang kanilang pagbabantay ukol sa mga election related incidents.