DAGUPAN CITY- Hindi ganoon ka-engrande at kasigla ang bansang Norway sa pagseselebra ng Araw ng mga Puso kaiba sa ilang mga bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Micho Riz Dancal Moncal Bombo International News Correspondent sa bansang Norway, mayroong kakaibang ginagawa ang mga mamamayan sa nasabing bansa sa pagdiriwang kung saan ay may kinalaman ito sa kanilang koneksyon sa kalikasan.
Aniya, isa sa kanilang mga ginagawa upang maitawid ang nasabing pagdiriwang ay skiing, hiking at sightseeing.
Socialization naman ang tawag sa pamamaraan ng mga walang mga kasintahan.
Iba rin ang panahon ngayon sa bansang Norway kumpara sa mga nakaraang mga taon dahil sa clear na mga daan at hindi masyadong nababalutan ng snow ngunit nakararamdam pa rin ang ng malamig na panahon.
Dagdag niya, natural sa mga mamamayan sa nasabing bansa ang pagkahilig sa mga outdoor activities.