Mga kabombo! Ang aso mo ba ay marunong ng ilang mga tricks tulad ng ‘sit’, ‘roll-over’, ‘play dead’, at ‘fetch’?

Wala iyan para sa cocker spaniel ni Japanese Dog Trainer Satomi Asano. Ang aso niya na si Coda ay marunong lamang mag-skateboard at nakapagtala pa ito ng world record na may pinakamahabang human tunnel habang nakasakay sa skateboard.

Nasaksihan ito sa isang Italian TV Series kung saan 40 na katao ang nakatayo habang magkahiwalay ang mga paa upang makagawa ng human tunnel.

--Ads--

Nahigitan lang naman ni Coda ang record na 33 katao na nagawa ni Dai Chun, isang japanese dog, noong 2017.

Ayon kay Asano, layunin niyang mag-train ng mga aso sa pamamagitan ng positibong pamamaraan at kaniyang nilalabanan din ang maling pag-trato sa mga aso.