Sinaksak ng icepick sa kaniyang dibdib ang isang lalaki sa bayan ng San Fabian kung saan nangyari ang insidente bandang 1:25 am sa Brgy. Sagud Bahley sa nasabing bayan.

Ang biktima ay nakilalang si Joseph Nabua Urayenza, 40-anyos habang ang suspek naman ay nakilalang si Bernard Dino, 55-anyos, at kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang 1:05 am habang nag-iinuman ang biktima at ang kanyang mga kaibigan sa burol sa kanilang lugar.

--Ads--

Nilapitan ng suspek ang biktima at tinusok ito gamit ang isang ice pick, at mabilis na tumakas.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat ang biktima sa kanyang kanang bahagi ng dibdib at agad itong dinala sa Region 1 Medical Center Annex sa Bonuan Binloc, Dagupan City upang magamot.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang isang manhunt operation ng mga awtoridad upang mahuli ang suspek.

Tinututukan ng San Fabian Police Station ang kaso at patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang suspek.