Dagupan City – Ikinagulat ng ilang mga residente sa Barangay Coliling sa bayan ng Rosales ang natagpuang nakalutang na bangkay ng isang tao sa kanilang irigasyon kamakailan.

Ayon kay Pcpt. Eugene Romma Lete Navalta ang Deputy Chief of Police ng Rosales Municipal Police Station na kinilala ang biktima na isang 39-anyos na lalaki, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Barangay San Isidro sa nasabing bayan.

Aniya na agad rumesponde ang kanilang tropa nang tumawag ang isang barangay kagawad sa kanilang tanggapan na may nakitang palutang-lutang na bangkay sa irigasyon sa kanilang barangay.

--Ads--

Saad nito na nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang tito na isang barangay kagawad sa Barangay San Isidro.

Kaugnay nito, sa kanilang pagtataya ay nasa 24 oras palang aniya na nasa tubig ang bangkay kaya hindi pa nagkaroon ng masansang na amoy at batay sa pamilya na nasa 1 araw pa lamang nawawala ang nasabing biktima.

Dagdag pa ni Navalta na nagrequest aniyaa sila ng SOCO para sa autopsy or post mortem examination ngunit nagdecline ang pamilya nito kaya hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkasawi ng nasabing bangkay.

Samantala, ang nasabing pagkakatagpo ng bangkay sa kanilang nasasakupan ay maituturing na isolated case lamang.