Mga Ka-bombo! Isa ka ba sa mga passionate dancer na nagsasabing dance is life? 

Handa ka ba sa mga challenges na ibabato sa iyo para lamang maka-sayaw? 

Kakaiba kasi ang ginawa ng isang French Ballerina na si  Victoria Dauberville, dahil sumayaw lang manan siya sa ibabaw ng isang barko sa Antarctica.

--Ads--

Dahil sa kaniyang ginawa, isang pambihirang tanawin ang kinabiliban ng mga netizens sa social media. 

Dahil sa galing nito ay napagkamalan pang produkto ng isang artificial intelligence (AI). 

Sa kabila ng matinding lamig, ay nagpamalas ng isang kahanga-hangang sayaw sa gitna ng mga yelong block na gumagalaw sa dagat. 

Sa mga larawan at video na kumalat sa social media, makikita ang bawat galaw ng ballerina sa ibabaw ng barko.

Ang mga yelong block ay tila nagsasayaw rin sa kanyang paligid, na nagbigay ng isang surreal na karanasan sa mga manonood.