DAGUPAN CITY- Nakapagtala ng maraming kaswalidad sa Northeast Philadelphia matapos ang pagbagsak ng isang maliit na eroplano, mula Missouri, sa isang residential area.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bardford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, alas 6 ng umaga sa Pilipinas nang maganap ang insidente.

Aniya, inilabas sa pahayag ng Federal Aviation Administration (FAA) na 2 tao ang sakay ng eroplano.

--Ads--

Nagdulot ng pagkasunog sa ilang mga kabahayan dahil sa pagsabog mula sa plane crash at may mga naitalang sugatan.

Gayunpaman, hanggang sa ngayon ay hindi pa tiyak kung ano ang ugat na problema mula sa eroplano para ito ay bumagsak.

Samantala, nagdudulot naman ng pagkatakot sa mga residente ng Amerika ang magkakasunod na plane crash.