Pinakamalaking sagabal sa pag-usad ng impeachment complaints kay Vice President Sara Duterte ay si Pangulong Marcos.
Yan ang inihayag ni Liza Maza— Makabayan President hinggil sa ‘inaction’ sa 3 impeachment complaints laban sa bise presidente.
Aniya na tuwing natatanong ang pangulo hinggil dito ay nagpapahiwatig ito sa publiko ng kaniyang opiniyon na wala ng oras o di naman ay nagbibigay ng senyales na huwag ng ituloy dahil huli na at wala ng oras.
Marahil ay malaki ang gampanin ng Pangulo sa pag-usad ng kaso.
Subalit maaari na ding kumilos ang House of Representatives ukol dito upang mapatunayan na ang bise ay talagang may pananagutan.
Sa kabilang banda, hinggil naman sa usapin ng blank items sa 2025 National Budget aniya ay dapat magkaroon ng kalinawan dito dahil hindi maaaring may nakitang blangko sa mga kopyang ibinigay sa mga kongresista at noong ibinigay sa pangulo ay meron ng laman ang mga blank items.
Aniya na ito ay nagpapakita ng kwestiyon sa legalidad at malinaw na paglabag sa transparency at accountability.
Kaya’t malaliman na suriin ang pangyayari at kalagayan nito dahil ito ay usapin sa buget at usapin ito sa kaban ng bayan.
Dapat ay ilagay ito sa taumbayan, ilagay para sa serbisyo, edukasyon, kalusugan at pabahay.