Natuklasan sa alikabok ng isang asteroid na tinatawag na Bennu ang mga kemikal na sangkap ng buhay, ayon sa isang pagsusuri.
Ang mga sample ng asteroid, na kinuha ng isang spacecraft ng NASA at dinala sa mundo, ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng mineral at libu-libong organikong compounds.
Kasama dito ang mga amino acid, na mga molekula na bumubuo sa mga protina, pati na rin ang mga nucleobase – ang mga pangunahing sangkap ng DNA.
Hindi ito nangangahulugang may buhay sa Bennu, ngunit sinusuportahan nito ang teorya na ang mga asteroid ay nagdala ng mga mahalagang sangkap na ito sa Earth nang tumama sila sa ating planeta milyong taon na ang nakararaan.
Iniisip ng mga siyentipiko na maaaring dinala rin ang mga parehong compound sa ibang mga mundo sa ating Solar System.
“Amazing ang natutunan namin mula dito,” sabi ni Prof. Sara Russell, isang cosmic mineralogist mula sa Natural History Museum sa London.