DAGUPAN CITY- Umakyat na sa 93.30 % o katumbas ng 3048 na mga barangay ang ideneklarang drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1.
Ayon kay Mariepe P. De Guzman, ang Public Information Officer ng nasabing tanggapan, bahagi ito ng pagtutok ng kanilang hanay, kapulisan at iba pang law enforcement agency na masugpo ang illegal na aktibidad na maaring mangyari sa bansa lalo na ang pagpapataas ng porsyento ng mga drug cleared barangay.
Sa kabuuang 3267 na barangay na mayroon ang rehiyon mula sa 116 na munisipalidad at 8 lungsod sa 4 na lalawigan nasa 6.70% o 219 nalang ang natitirang barangay na hindi pa na-clear.
Aniya na marami silang naging accomplishment noong 2024 kabilang na dito ang Supply Reduction Accomplishment, Buy Bust, Marijuana Eradication Operation and warrant of arrest.
Sa buy bust operations nasa 940 conducted, 147 Searh Warrant, 23 marijuana eradication, 4 Inflagrante Delicti o Caught in the Act at 9 na warrant of arrest.
Dagdag pa nito na nasa 998. 2 milyon pesos ang halaga ng pinagsamang marijuana, shabu, at iba pang illegal na droga kung saan ang mga nasira na Shabu ay may kabuuang halaga 880,946,596.00 pesos na may bigat na 129,550.97 grams habang sa marijuana ay may kabuuang halaga 1,751,314.91 pesos na may bigat na 14,594.2914 grams.
Sa Accomplishment with the number of arrest nasa kabuuang 1326 kung saan:
113-High Value targets
52 target listed
8 drug den owner
21 drug den visitor
2 Marijuana Cultivator
9 reurgent personalities habanG nasa 4 ang naDismantle na drug den, 5 na High volume seizure of illegal drugs at 12 Arrest of regional target list.
Sa Floating Shabu naman na kung matatandaan na noong June, July at August- noong nakaraan taon may nakuhang Floating shabu karagatan ng Ilocos Region kung saan may natagpuan din sa ilang baybayin sa Pangasinan
Nasa 113 pack ng shabu ang nakuha kung saan ang isang pack ay more or less isang kilo, kabilang din ang 1 plastic container drum at 1 plastic box container na may kabuuang halaga ang mga ito na 880,946,596.00 at kabuuang bigat ay nasa 129,550.97 grams.
Samantala Kung ikukumpara ang datos na ito nito sa taong 2023 mas mataas ang naging accomplishment sa taong 2024 dahil sa dami ng bilang ng mga nahuhuli na mga suspek sa illegal na droga at halaga nito.
Sa kabilang banda, patuloy ang kanilang pagtutok sa mga balay silangan reformation facility Para sa mga indibidwaal na pumapasok sa bisyo na ito katuwang ang ilang ahensya na nagbibigay serbisyo sa mga ito upang mabago ang kanilang buhay at iwanan na ang kanilang illegal na ginagawa
Nasa kabuuang 52 na umabot na sa 1448 enrollees, 543 nananatili paring sa reformation Program, 905 graduated at 280 ang employed o may trabaho na.