Mga kabombo! Mahilig ka ba sa mga shark movies? Paano naman kung ito ay magkatotoo at ikaw ang nasa sitwasyon?
Buwis buhay ang naranasan ng isang Australian Surfer na si Dale Kittow matapos itong makaranas ng ‘shark attack’ sa Cheynes Beach sa West Australia.
Ayon sa kaniya, tila normal na araw ito para sa kaniyang surfing activity hanggang sa mamataan aniya ang isang pating na paparating kasabay ng alon.
--Ads--
Umupo lamang si Kittow sa kaniyang surfing board nang pinalibutan na siya nito bago umatake.
Sa mabuting palad ay ang kaniyang surfing board ang nakagat ng pating at ligtas nakatas si Kittow nang hindi nakakapagtamo ng anumang sugat.
Aniya, hinintay niya lamang ang sumunod na alon upang gamitin ito para makatakas.