Sa panahon ngayon, sabi nga nila, bilang na lamang ang tapat sa mundo.
Isa na nga rito sa bilang ay ang ginawang katapatan ng taxi driver na si Anthony Aguirre nang isauli niya ang naiwang backpack ng kanyang naging pasahero.
Si Anthony ay 52-anyos at residente ng bayan ng Pavia, Iloilo.
Kung saan, naisakay niya ang pasahero mula sa isang hotel at inihatid sa Lapuz roll-on, roll-off wharf papuntang Palawan province.
Ang pasahero ay isang babaeng negosyante. Hanggang sa kinabukasan, nakatanggap ang operator ni Anthony ng tawag mula sa Iloilo City Police Office-Lapuz Police Station
Ipinagbigay-alam umano sa pulisya ng kanyang pasahero ang tungkol sa naiwang backpack.
Nang i-check ni Anthony ang kanyang minamanehong taxi, nakita niya ang backpack na naglalaman ng P2.4 Milyon, na agad dinala sa mga awtoridad para maibalik sa may-ari.
Dahil sa katapatan ni Anthony, gagawaran siya ng ng pamahalaang lungsod ng parangal bilang “Honorary Citizen of Iloilo City.” At Pagkakalooban din siya ng reward na PHP20,000 cash.
Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi ng alkalde na ang ginawang kabutihan ni Anthony ay nagpapakita ng integridad at pagiging mapagmalasakit ng mga Ilonggo.