Dagupan City – Agad na nagpamahagi ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa bayan ng Bayambang sa mga onion at corn farmer ng mga libreng gamot para sa mga pananim na naapektuhan ng Harabas.
Ang mga ito ay insecticide at fungicide na nakatutulong sa mga pananim na napinsala.
Ito rin ay bilang tugon at aksyon upang matulungan ang mga magsasaka at makontrol ang paglawak ng pinsala na dulot ng harabas sa tanim na sibuyas at mais sa nasabing bayan.
Bahagi rin ito ng kanilang patuloy na suporta at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Bayambang at inaasahan din na mapapabuti ang kalusugan ng mga pananim at makakamit ang mas mataas na ani.
Makikinabang dito ang mga daan-daang magsasaka na lubos na naapektuhan mula rito dahil ito ay isang hakbang upang matiyak ang maayos kabuhayan ng mga magsasaka.