Naganap kamakailan ang pagbubukas ng pinakabago at kauna-unahang Pasalubong Center sa syudad ng San Carlos.

Ang establishimentong ito ay matatagapuan sa Malong Street na pinagtulungan ng City Tourism Office at ng Lokal na Pamahalaan ng nasabing syudad.

Inaasahan na sa proyektong ito, mas maipapakilala pa ng City Tourism Office ang iba’t-ibang local products na makapagbibigay ng tatak San Carlos sa mga turista at bisita.

--Ads--

Ang Pasalubong Center na ito ay hindi lamang magsisilbing destinasyon para sa mga gustong bumili ng mga produkto ng San Carlos, kundi magiging isang hakbang din upang mas mapalaganap ang kultura at mga produkto ng syudad.

Inaasahan din na makatutulong ito sa pagpapalago ng turismo at negosyo sa San Carlos City dahil nakatakda ring magbigay ng mga empleyo sa mga residente at magsilbing venue para sa mga proyektong pangkabuhayan ng mga kooperatiba at maliliit na negosyante.

Ang Pasalubong Center ay bukas sa publiko at inaasahang magiging isang popular na destinasyon.