DAGUPAN CITY- Nasawi ang 72-taong gulang na babae matapos na pagsasaksin ng umano’y kanyang kinakasama sa bayan ng Aguilar.

Ayon kay PMAJ Mark Ryan C. Taminaya, OIC- Aguilar Municipal Police Station, nag-ugat sa pagtatalo kaugnay sa utang ng suspek sa biktima na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP13,000.00.

Bilang resulta, sinaksak ng suspek ang biktima ng ilang beses kung saan nakapagtamo ang biktima ng saksak sa kanyang bunganga at sa bahagi ng kanyang kilikili.

--Ads--

Kinilala ang biktima na si Lydia Melendez Soriano, 72 taong gulang, biyuda, at residente ng nasabing lugar, habang ang suspek ay kinilalang si Ron-Ron Almonte Veloria residente ng Brgy. San Gabriel, sa bayan ng Bayambang.

Ang kutsilyong ginamit ng suspek na may sukat na humigit-kumulang 10 pulgada at narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Agad namang nagsagawa ng dragnet operation kung saan naaresto ang suspek at kasalukuyan at nasa kostodiya ng mga awtoridad.

via Bombo Aira Chicano