Ibinahagi ng isang lalaki mula sa California kung paano niya isinalba ang kanyang block mula sa wildfire.
Ayon kay Tristin Perez, 34-anyos at isang karpintero, sa mga sandali ng sunog ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang manatili sa kabila ng panganib na kalagayan.
Hindi iniwan ni Perez ang kanyang bahay sa Altadena sa gitna ng mapanirang Eaton fire.
Kahit ang ang apoy ay dumidikit na sa kanyang bakod at nahirapan siyang huminga dahil sa usok ay ipinagpilitan niya na subukang iligtas ang kanyang ari-arian at mga bahay ng kanyang mga kapitbahay sa El Molino Avenue.
Wala siyang garden hose at kinuha lamang niya ay ang mga filter mula sa dalawang water pitcher at binuhusan ang lupa, ang kanyang kahoy na bakod, at bawat uling na maabot niya.
Sa isang panayam, ikinuwento ni Perez na parang isang eksena sa pelikula ang kaganapan ngunit ginawa daw niya ang lahat ng makakaya para pigilan ang apoy at iligtas ang kanyang bahay at matulungan ding mailigtas ang kanilang mga bahay.
Nakaligtas ang kanyang isang palapag na dilaw na duplex gayundin ang dalawang karatig na bahay.
Nabatid na lumipat siya sa Altadena tatlong taon na ang nakalilipas.
Saad nito na nagustuhan ang lugar dahil sa tahimik, mababait at may malasakit sa isat isa ang mga mamamayan sa lugar.