DAGUPAN CITY- Naging talamak ang mga nangyaring premature campaigning ng mga tumatakbong kanditato para sa Halalan 2025, lalo na noong nagdaang Holiday season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Danilo Arao, Conveyor ng Kontra Daya, sa kabila ng isinasagawang programa ng COMELEC, wala pang election period ay mayroon nang nangyayaring ganitong mga aktibidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Aniya, isa sa mga isinagawang premature campaining strategy ay ang hindi matigil-tigil na vote buying nitong nagdaang holiday season.
Isa rin sa kaniyang mga napansin ay ang nga nagkalat na tarpaulin ng mga kandidato sa mga kakalsadahan.
Dagdag niya, hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga gawain at nanawagan sa COMELEC na patawan ng parusa ang sinomang gumagawa ng ganitong mga gawain.
Samantala, ayon naman sa COMELEC ay kinakailangan ng direct witnesses para mabigyan ng aksyon ang ganitong mga maling gawain.