Mga kabombo! Sabi nga nila, kung hindi mo na alam ang daan sa iyung pupuntahan “just ask google maps”.

Pero paano kung ang pinagkatiwalaan mong google maps ay siyang daan para mawala ka?

O kaya’y hindi ka nga nawala ngunit, wala ka naman talagang daratnan sa inaasam mong desitinasyon?

--Ads--

Oh no! Iyan kasi ang nangyari sa mga residente ng Cyffylliog, isang tahimik na village sa Denbighshire, Wales, nang dumagsa ang mga shoppers sa kanilang lugar noong huling linggo ng disyembre, 2024.

Paano ba naman kasi, itinuturo umano ng google maps na may isang supermarket malapit sa lugar, ngunit nang dayuhin na it ay wala naman talagang sangay ang naturang supermarket sa lugar.

Nang aralin ito, napag-alaman na idinagdag lang pala ng Internet trolls sa Google Maps ang store sa Cyffylliog bilang prank.

Ang Aldi ay isang German multinational family-owned discount supermarket chain na nag-o-operate sa 18 bansa. Mayroon itong mahigit 12,000 stores.

Nang unang mapabalita ang tungkol sa malawakang sale, ay biglang nagulat ang mga naninirahan sa Cyffylliog sa biglang bugso ng libu-libong shoppers sa kanilang lugar—at hinahanap kung nasaan ang Aldi supermarket doon.

Batay sa pin sa Google Maps, humantong ang mga shoppers sa isang madamong kaparangan at milya-milya pa ang layo nito sa totoong checkout lane ng supermarket.