Iprayoridad muna ang pangangailangan ng mga manggagawa bagkus na itaas ang SSS contribution.
Yan ang naging sambit ni Josua Mata Secretary General – Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) hinggil sa nasabing usapin.
Aniya na dapat muna itong suspendihin at unahin muna ang panukalang dagdag pasahod para sa mga manggagawa .
Lalo na at sa kasalukuyan ay nagtataasan ang presyo ng mga bilihin kaya’t hindi maganda ang timing sa ngayon.
Bukod dito dapat ang pagtuunan nila ng pansin ay kung kumusta ang pondo gayundin kung paano nila mapapabuti ang kanilang serbisyo.
Kaya’t hiling nito sa gobyerno na manawagan sa SSS commissioner na suspendihin muna ito dahil hindi ito ang tamang panahon para kaltasan ng may karagdagan ang mga manggagawa.
Samantala, dahil mabigat nga ang crisis para sa cost of living mainam na iprayoridad muna ang pangangailangan ng mga manggagawa.