Tahimik ang pagseselebra ng bagong taon sa bansang Quatar kung saan hindi sila maaaring mag-ingay sa labas ng kanilang bahay sa pagasalubong ng nasabing selebrasyon.

Ayon kay Kean Santiago- Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa bilang pagrespeto sa mga kapatid na muslim sa Quatar hindi sila nag-iingay.

Nagkakaroon lamang sila ng konting salo-salo at handaan.

--Ads--

Bagama’t ay halos open country na ang Quatar kung ikukumpara sa bansang Saudi Arabia na mahigpit talaga ang pagseselebra.

Bukod dito ay wala ding nagpapaputok at hindi din sila naghahanda ng 12 na bilog na mga prutas hindi katulad sa Pilipinas.

Aniya ay hindi na nila isinasagawa ang mga nakasanayang tradisyon sa Pinas.

Gayunpaman, namimiss nitong makasama ang kaniyang pamilya ngayong darating na bagong taon.