Dagupan City – Plano ng lokal na pamahalaan ng Labrador na humikayat pa ng mga investors sa bayan.
Ayon kay Labrador Mayor Ernesto Acain, hindi na kasi problema ang baha sa kanillang bayan kung ikukumpara sa mga karatig lugar nito.
Dahil dito, magalaga aniya na makita ng mga investors ang kanilang lugar upang makita rin at masuri ito, partikular na ang lokal na produksyon ng Agno River.
Ngunit bago aniya galawin o ipatupad ang mga aasahang proyekto, siniguro ng alkalde na maglalagay muna sila ng tamang protection sa river bags ng Agno River.
Binigyang diin naman nito ang paglunsad ng mga aktibidad sa bayan partikular na sa mga fisherfolks, dahil tuwing tag-araw ay problema nila ang pagiging sobrang alat ng tubig sa ilog. Samantala, siniguro naman nito na bukas ang kanilang bayan sa pagkakaroon ng Power Plant.