DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bomno! Gaano ka ba kadalas gumamit ng mobile phone at mag scroll?

Paano kapag nalaman mong kaya pala ng isang application ng mobile phone upang makalutas ng isang misteryosong murder case?

Aba, matindi ito!

--Ads--

Isang di-inaasahang saksi kasi ang naging susi sa paglutas ng isang na kaso ng pagpatay sa Spain.

Ang popular na application na ginagamit ng mga biyahero para hindi maligaw, ay naging daan para matuklasan ang pagkasawi ng isang lalaki matapos makita sa Street View ang isang tao na inilalagay ang isang posibleng katawan sa loob ng sasakyan.


Noong Nobyembre 2023, nagsimula ang imbestigasyon sa hilagang rehiyon ng Castile and Leon nang i-report ang pagkawala ng isang lalaki.

Ayon sa mga awtoridad, inaresto nila ang kasintahan ng nawawalang lalaki at ang ex-partner ng babae.

Sa pagsisiyasat, nagsagawa ng raid sa mga tahanan ng mga suspek at sinuri ang kanilang mga sasakyan, ngunit isang hindi inaasahang lead ang natagpuan, mga larawan mula sa isang “location application” at isang screenshot mula sa application street view nito na kuha noong Oktubre 2024.

Makikita rito ang isang tao na may tinatago na puting tela, na pinaniniwalaang katawan, na ipinasok sa trunk ng isang sasakyan.

Bagama’t hindi ito ang pinaka-mahalagang ebidensya, malaking tulong ang mga larawang ito sa paglutas ng kaso, ayon sa mga awtoridad.

Inisip ng mga imbestigador na ang taong nakita sa larawan ay maaaring ang pangunahing suspek.