DAGUPAN CITY- Patuloy pinaghahanap ng pamilyang Estrada ang kanilang padre de pamilya na tatlong araw nang nawawala matapos na hindi mamalayang lumabas ito sa kanilang bahay.

Batay sa pulisya Bandang alas-10:10 ng gabi, nang ipinagbigay alam ni Melissa Estrada, 38 taong gulang, mula Calgus Village, Brgy. Tapuac, Dagupan City, sa himpilan ng Dagupan City Police Station ang pagkawala ni Federico Bernardino Estrada, 80 anyos at residente sa parehong lugar.

Ayon sa ulat, ang kanyang ama ay hindi na nakabalik sa kanilang bahay mula noong Disyembre 15, 2024, mga bandang alas-6:00 hanggang 7:00 ng gabi.

--Ads--

Samantala, napag-alaman din ng pulisya batay sa salaysay ng anak ng nawawala, ang kanyang ama ay mayroong Alzheimer’s disease.

Sa Paglalarawan naman ni Melissa ay huling nakita ang kanilang ama na nakasuot ng itim na polo, navy blue na pantalon, may katamtaman na pangangatawan, maputi, at may taas na mga 5’5″.

Ipinagbigay-alam ng mga awtoridad na kung may makakita o makakaalam ng kinaroroonan ni tatay Federico Estrada, ay agad na ipagbigay-alam sa Dagupan CPS o di naman ay kontakin lamang ang kanyang anak na si Melissa Estrada sa kanyang mobile number na 09455896649 upang agad itong ma-aksyunan.