Daan-daang job seekers ang nakiisa sa isinagawang Hundred Islands Job Fair na may kasamang One-Stop-Shop Government Services g Lokal na Pamahalaan sa lungsod ng Alaminos
Kung saan ito ay pinangasiwaan ng Public Employment Service Office o PESO katuwang ang iba’t ibang recruitment agency na local at overseas company.
Layunin nitong magbigay ng oportunidad sa mga residente na makahanap ng trabaho, kasama ang mga lokal at international job openings at ang patuloy na pagsuporta sa mga job seekers sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo.
Ang programa ay isang halimbawa ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga kompanya, at mga ahensiya ng gobyerno upang makapagbigay ng magandang buhay sa mga residente.
Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga recruitment agency sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga residente ng lungsod.