BOMBO DAGUPAN- Binigyang pagkilala at tulong ng LGU Laoac at ng Department of Social Welfare and Development ang nasa mahihit isang daang 4Ps benificiaries na gumradweyt sa bayan ng Loac.

Ayon kay Melinda Costales, mula sa barangay Lebueg, sa bayan ng Laoac at isang benipisyaryo ng 4PS, malaking tulong sa kanila ang mapasama sa programa .

Panawagan niya sa mga magulang na membro rin ng 4ps na sikapin na mapag aral ang mga anak upang mas madali silang makahanap ng trabaho.

--Ads--

Nanawagan din siya sa ibang magulang na nagsumikap at huwag umasa sa ibinibigay ng gobyerno sa kanila.

Sa tulong ng 4Ps, ang panganay na anak ni Costales ay isa nang licensed teacher, natapos na rin ang isa at kasalukuyang nagrereview para sa board exam at ang pangatlo ay kumukuha ng kursong civil engineering.
magsikap.

Paalala niya sa kapwa benipisyaryo na ang pagtatapos sa 4ps ay hindi katapusan kundi simula pa lang para umangat sa buhay.
AV 4PS MEMBER

Samantala, ayon naman sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Editha Lapena, municipal action team leader, DSWD region 1, maituturing naman na nakatawid na sa kahirapan ang mga nagtapos na 4ps benificiaries mula sa nasabing bayan.