DAGUPAN CITY- Nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa bahagi ng katawan ang isang ginang sa bayan ng San Fabian matapos aksidenteng mabangga ng isang tricycle.
Ayon sa San Fabian PNP, alas-11:15 ng gabi nang kanilang tugunan ang insidente sa Brgy. Tocok, sa nasabing bayan.
Ang insidente ay kinasangkutan ng isang pulang traysikel, na minamaneho ng 36 anyos na lalaki kasama ang kanyang live-in partner nang aksidenteng masagi ng traysikel ang 41 anyos na ginang at isang vendor mula sa nasabing barangay.
Ayon sa mga saksi, nakatayo ang ginang sa gilid ng kalsada nang siya’y tamaan ng traysikel na papuntang timog. Dahil dito, nagkaroon ng mga sugat ang babae at agad siyang dinala sa Region 1 Annex Medical Center sa Bonuan, Dagupan City para sa medical na pagsusuri.
Habang Walang natamong mga sugat ang drayber ng tricycle ngunit dinala pa rin ito sa ospital.
Base sa unang ulat, posibleng lasing ang driver nang mangyari ang aksidente.
Ngunit sa ngayon, Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang kabuuang nangyari.
Samantala, Nasira ang traysikel na sangkot sa aksidente at ito’y kasalukuyang nasa kustodiya ng San Fabian Police para sa nararapat na aksyon.
Nagpaalala naman ang awtoridad na ang naturang insidente ay isang paalala ng kahalagahan ng kaligtasan sa kalsada, lalo na sa mga pagkakataon na may mga drayber na posibleng nakainom.