Walang pagkakaiba sa sitwasyon sa Russia maging nagtungo man si former Syrian President Bashar al-Assad.

Ayon kay Genevive Dignadice – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa bagamat ang Syria, Iran at Russia ay solidong magkakaibigan kaya’t obvious na kapag humingi ng tulong si Assad ay hindi ito maaaring tanggihan ng gobyerno ng Russia.

Kaugnay nito ay hindi din ito sarado na makipag-ugnayan sa kasalukuyan nitong mga kaalyado.

--Ads--

Aniya dahil wala namang threat sa Russia ay hindi ito makikialam sa giyera o gulo ng ibang bansa gayong ang kanilang embahada at mga kababayan doon ay hindi naman apektado.

Ang nais lamang nila ay ma-assure ang kanilang transactions maging marecognize ang bagong gobyerno ng Syria.

Ang importante ay hindi masydaong nasira ang mga properties doon at walang masyadong nasawi hindi katulad ng ibang mga lugar gaya ng Israel, Lebanon at Palestine.

Samantala, inaasahan naman nito na mas lalong maghihigpit ang mga iimposed na patakaran doon lalo na sa mga foreigners kaugnay naman sa nagpapatuloy na giriian sa pagitan ng Russia at Ukraine.