DAGUPAN CITY- Hindi na nagawang makatakas pa ng isang 32 anyos na lalaki sa lungsod ng Dagupan na di umanoy tirador ng mga tricycle matapos harangin ng mga kapulisan.

Kinilala ang suspek bilang isang vendor at residente sa Sitio Bahala, sa Brgy Poblacion Oeste, sa parehong syudad.

Lumalabas sa imbestigasyon, nakita ng isang testigo ang tricycle ng kaniyang kapatid sa Careenan St., Poblacion Oeste, sa nasabing lungsod subalit minamaneho ito ng ibang tao.

--Ads--

Bagaman hindi na niya nagawang mahabol ito, agad niya itong pinag-bigay alam sa kaniyang kapatid at kanilang ini-report sa himpilan ng Dagupan City Police Station.

Agad naman din rumesponde ang mga otoridad at nagsagawa ng imbestigasyon. Kanila rin ni-review ang mga kuha ng cctv sa mga malalapit sa insidente at duon na nila nakilala ang suspek.

Kanilang napag-alaman na nabangga o na-sideswipe ng suspek ang isang traffic enforcer habang tumatakas at kalaunan ay iniwan din nito ang ninakaw na tricycle.

Nagpatupad naman ng hot pursuit ang mga kapulisan upang maaresto ang nasabing suspek.

Ito ay nasa kustodiya na ng kapulisan para sa dokumentasyon at desposisyon upang harapin ang isasampang kaso laban sakaniya.